15Gawin mo ito na may sukat na 450 talampakan ang haba, 75 talampakan ang luwang, at 45 talampakan ang taas.
16Lagyan mo ng bubong ang barko, at lagyan mo ng agwat na kalahating metro ang dingding at ang bubong. Gawan mo ang barko ng tatlong palapag, at lagyan ng pintuan sa gilid.
17Sapagkat pababahain ko ang mundo upang malipol ang lahat ng nabubuhay. Mamamatay ang lahat ng nasa mundo.
18Ngunit gagawa ako ng kasunduan sa iyo. Papasok ka sa barko kasama ng asawa at ng mga anak mo pati ang mga asawa nila.
19Magpapasok ka rin ng isang lalaki at babae sa bawat uri ng nilalang upang mabuhay sila kasama mo.