17Sapagkat pababahain ko ang mundo upang malipol ang lahat ng nabubuhay. Mamamatay ang lahat ng nasa mundo.
18Ngunit gagawa ako ng kasunduan sa iyo. Papasok ka sa barko kasama ng asawa at ng mga anak mo pati ang mga asawa nila.
19Magpapasok ka rin ng isang lalaki at babae sa bawat uri ng nilalang upang mabuhay sila kasama mo.
20Dalawa sa bawat uri ng lahat ng hayop: mga lumilipad, naglalakad at gumagapang. Lalapit sila sa iyo upang hindi sila mamatay.
21Magdala ka rin ng lahat ng uri ng pagkain para sa inyo at upang rin sa mga hayop.”