1Hindi kinalimutan ng Diyos si Noe at ang mga kasama niyang hayop sa loob ng barko. Kaya pinaihip niya ang hangin sa mundo at dahan-dahang bumaba ang tubig.
2Tinakpan niya ang mga bukal at pinahinto ang ulan.
3Patuloy ang pagbaba ng tubig sa loob ng 150 araw,
4at sa ikalabimpitong araw ng ikapitong buwan, sumadsad ang barko sa Bundok ng Ararat.