Genesis 8

Patuloy ang pagbaba ng tubig sa loob ng 150 araw,

Genesis 8:3 (UKJV) And the waters returned from off the earth continually: and after the end of the hundred and fifty days the waters were decreased.

1Hindi kinalimutan ng Diyos si Noe at ang mga kasama niyang hayop sa loob ng barko. Kaya pinaihip niya ang hangin sa mundo at dahan-dahang bumaba ang tubig.

2Tinakpan niya ang mga bukal at pinahinto ang ulan.

3Patuloy ang pagbaba ng tubig sa loob ng 150 araw,

4at sa ikalabimpitong araw ng ikapitong buwan, sumadsad ang barko sa Bundok ng Ararat.

5Patuloy ang pagbaba ng tubig. At nang unang araw ng ikasampung buwan, nakikita na ang tuktok ng mga bundok.

Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible™ (Ang Salita ng Diyos) © Biblica, Inc. Licensed CC BY-SA 4.0. “Biblica” is a trademark registered in the United States Patent and Trademark Office by Biblica, Inc.