Habakuk 1

Masayang nagdiriwang ang mga taga-Babilonia dahil sa pagbihag nila sa kanilang mga kalaban na parang mga isdang nahuli sa bingwit o lambat.

Habakkuk 1:15 (UKJV) They take up all of them with the angle, they catch them in their net, and gather them in their drag: therefore they rejoice and are glad.

13Dahil banal kayo, hindi nʼyo matitiis na tingnan ang kasamaan at kaguluhan. Ngunit bakit nʼyo hinahayaan ang mga traydor na gawin ito sa amin? Bakit nʼyo hinahayaang pagmalupitan ang mga taong matutuwid kung ihahambing sa kanila?

14Ang kanilang mga kalaban ay ginawa ninyong parang mga isda na walang pinunong magtatanggol sa kanila.

15Masayang nagdiriwang ang mga taga-Babilonia dahil sa pagbihag nila sa kanilang mga kalaban na parang mga isdang nahuli sa bingwit o lambat.

16At dahil marami silang nabihag, ipinagmamalaki nila ang kanilang kakayahan katulad ng mangingisdang sinasamba ang kanyang bingwit o lambat sa pamamagitan ng paghahandog ng insenso bilang handog sa mga bagay na ito. Dahil sa pamamagitan ng bingwit o lambat ay yumaman siya at nagkaroon ng masaganang pagkain.

17Kaya Panginoon, magpapatuloy na lang po ba ang kanilang walang awang pagbihag at pagwasak sa mga bansa?

Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible™ (Ang Salita ng Diyos) © Biblica, Inc. Licensed CC BY-SA 4.0. “Biblica” is a trademark registered in the United States Patent and Trademark Office by Biblica, Inc.