Habakuk 1

Dahil banal kayo, hindi nʼyo matitiis na tingnan ang kasamaan at kaguluhan. Ngunit bakit nʼyo hinahayaan ang mga traydor na gawin ito sa amin? Bakit nʼyo hinahayaang pagmalupitan ang mga taong matutuwid kung ihahambing sa kanila?

Habakkuk 1:13 (UKJV) You are of purer eyes than to behold evil, and can not look on iniquity: wherefore look you upon them that deal treacherously, and hold your tongue when the wicked devours the man that is more righteous than he?

11Pagkatapos, aalis sila na parang hangin lang na dumaan. Nagkasala sila, dahil wala silang kinikilalang diyos kundi ang sariling kakayahan.”

12Sinabi ni Habakuk, O Panginoon, ang aking Batong kanlungan, Kayo ang aking Diyos, ang banal na Diyos na walang kamatayan. O Panginoon, ang Batong kanlungan, pinili nʼyo ang mga taga-Babilonia upang kamiʼy parusahan.

13Dahil banal kayo, hindi nʼyo matitiis na tingnan ang kasamaan at kaguluhan. Ngunit bakit nʼyo hinahayaan ang mga traydor na gawin ito sa amin? Bakit nʼyo hinahayaang pagmalupitan ang mga taong matutuwid kung ihahambing sa kanila?

14Ang kanilang mga kalaban ay ginawa ninyong parang mga isda na walang pinunong magtatanggol sa kanila.

15Masayang nagdiriwang ang mga taga-Babilonia dahil sa pagbihag nila sa kanilang mga kalaban na parang mga isdang nahuli sa bingwit o lambat.

Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible™ (Ang Salita ng Diyos) © Biblica, Inc. Licensed CC BY-SA 4.0. “Biblica” is a trademark registered in the United States Patent and Trademark Office by Biblica, Inc.