Habakuk 1

Ang kanilang mga kalaban ay ginawa ninyong parang mga isda na walang pinunong magtatanggol sa kanila.

Habakkuk 1:14 (UKJV) And make men as the fishes of the sea, as the creeping things, that have no ruler over them?

12Sinabi ni Habakuk, O Panginoon, ang aking Batong kanlungan, Kayo ang aking Diyos, ang banal na Diyos na walang kamatayan. O Panginoon, ang Batong kanlungan, pinili nʼyo ang mga taga-Babilonia upang kamiʼy parusahan.

13Dahil banal kayo, hindi nʼyo matitiis na tingnan ang kasamaan at kaguluhan. Ngunit bakit nʼyo hinahayaan ang mga traydor na gawin ito sa amin? Bakit nʼyo hinahayaang pagmalupitan ang mga taong matutuwid kung ihahambing sa kanila?

14Ang kanilang mga kalaban ay ginawa ninyong parang mga isda na walang pinunong magtatanggol sa kanila.

15Masayang nagdiriwang ang mga taga-Babilonia dahil sa pagbihag nila sa kanilang mga kalaban na parang mga isdang nahuli sa bingwit o lambat.

16At dahil marami silang nabihag, ipinagmamalaki nila ang kanilang kakayahan katulad ng mangingisdang sinasamba ang kanyang bingwit o lambat sa pamamagitan ng paghahandog ng insenso bilang handog sa mga bagay na ito. Dahil sa pamamagitan ng bingwit o lambat ay yumaman siya at nagkaroon ng masaganang pagkain.

Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible™ (Ang Salita ng Diyos) © Biblica, Inc. Licensed CC BY-SA 4.0. “Biblica” is a trademark registered in the United States Patent and Trademark Office by Biblica, Inc.