9“Nakakaawa kayo, kayong nagpapatayo ng mga bahay sa pamamagitan ng perang nakuha ninyo sa masamang paraan. Pinatitibay ninyo ang inyong mga bahay upang makaligtas kayo kapag dumating ang kapahamakan.
10Dahil sa pagpatay ninyo ng maraming tao, kayo rin ay papatayin at wawasakin ang inyong mga bahay.
11Ang mga bato sa pader ay sisigaw laban sa inyo, at sa mga biga ng bahay ay aalingawngaw ang mga hinaing.
12“Nakakaawa kayo, kayong nagpapatayo ng lungsod sa pamamagitan ng pagdanak ng dugo. Handa kayong pumatay upang itoʼy maitayo.
13Ngunit ang mga ipinatayo ninyo sa mga taong binihag ninyo ay susunugin lang, kaya mawawalan ng kabuluhan ang inyong pinagpaguran. Itinakda na iyan ng Panginoon ng mga Hukbo.