11Ang mga bato sa pader ay sisigaw laban sa inyo, at sa mga biga ng bahay ay aalingawngaw ang mga hinaing.
12“Nakakaawa kayo, kayong nagpapatayo ng lungsod sa pamamagitan ng pagdanak ng dugo. Handa kayong pumatay upang itoʼy maitayo.
13Ngunit ang mga ipinatayo ninyo sa mga taong binihag ninyo ay susunugin lang, kaya mawawalan ng kabuluhan ang inyong pinagpaguran. Itinakda na iyan ng Panginoon ng mga Hukbo.
14Sapagkat kung paanong ang karagatan ay puno ng tubig, ang lahat ng tao sa mundo ay mapupuno rin ng kaalaman tungkol sa kadakilaan ng Panginoon.
15“Kahabag-habag kayong mga nagpapainom sa inyong kapwa, ibinubuhos ninyo ang alak hanggang silaʼy malasing upang makita ninyo silang huboʼt hubad.