Habakuk 2

Sapagkat kung paanong ang karagatan ay puno ng tubig, ang lahat ng tao sa mundo ay mapupuno rin ng kaalaman tungkol sa kadakilaan ng Panginoon.

Habakkuk 2:14 (UKJV) For the earth shall be filled with the knowledge of the glory of the LORD, as the waters cover the sea.

12“Nakakaawa kayo, kayong nagpapatayo ng lungsod sa pamamagitan ng pagdanak ng dugo. Handa kayong pumatay upang itoʼy maitayo.

13Ngunit ang mga ipinatayo ninyo sa mga taong binihag ninyo ay susunugin lang, kaya mawawalan ng kabuluhan ang inyong pinagpaguran. Itinakda na iyan ng Panginoon ng mga Hukbo.

14Sapagkat kung paanong ang karagatan ay puno ng tubig, ang lahat ng tao sa mundo ay mapupuno rin ng kaalaman tungkol sa kadakilaan ng Panginoon.

15“Kahabag-habag kayong mga nagpapainom sa inyong kapwa, ibinubuhos ninyo ang alak hanggang silaʼy malasing upang makita ninyo silang huboʼt hubad.

16Ngayon kayo naman ang ilalagay sa kahihiyan sa halip na parangalan, dahil parurusahan kayo ng Panginoon. Kayo naman ang paiinumin niya sa tasa ng kanyang galit, at kapag lasing na kayo, makikita ang inyong kahubaran at malalagay kayo sa kahihiyan.

Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible™ (Ang Salita ng Diyos) © Biblica, Inc. Licensed CC BY-SA 4.0. “Biblica” is a trademark registered in the United States Patent and Trademark Office by Biblica, Inc.