Habakuk 2

Nakakaawa kayong nagsasabi sa rebultong kahoy o bato, ‘Gumising ka at tulungan kami.’ Ni hindi nga iyan makapagtuturo sa inyo. At kahit pa balot iyan ng ginto at pilak, wala naman itong buhay.”

Habakkuk 2:19 (UKJV) Woe unto him that says to the wood, Awake; to the dumb stone, Arise, it shall teach! Behold, it is laid over with gold and silver, and there is no breath at all in the midst of it.

17Pinutol ninyo ang mga puno sa Lebanon, at dahil dito, namatay ang mga hayop doon. Kaya ngayon, kayo naman ang pipinsalain at manginginig sa takot. Mangyayari ito sa inyo dahil sa pagpatay ninyo ng mga tao at pagpinsala sa kanilang mga lupain at mga bayan.

18“Ano ang kabuluhan ng mga diyos-diyosan? Ang mga itoʼy gawa ng mga tao lamang, mga imaheng nagtuturo ng kasinungalingan. At bakit nagtitiwala dito ang taong may gawa sa kanya? Ni hindi nga ito makapagsalita.

19Nakakaawa kayong nagsasabi sa rebultong kahoy o bato, ‘Gumising ka at tulungan kami.’ Ni hindi nga iyan makapagtuturo sa inyo. At kahit pa balot iyan ng ginto at pilak, wala naman itong buhay.”

20Ngunit ang Panginoon ay nasa kanyang banal na Templo. Kaya ang buong mundo ay mananahimik sa kanyang harapan.

Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible™ (Ang Salita ng Diyos) © Biblica, Inc. Licensed CC BY-SA 4.0. “Biblica” is a trademark registered in the United States Patent and Trademark Office by Biblica, Inc.