18“Ano ang kabuluhan ng mga diyos-diyosan? Ang mga itoʼy gawa ng mga tao lamang, mga imaheng nagtuturo ng kasinungalingan. At bakit nagtitiwala dito ang taong may gawa sa kanya? Ni hindi nga ito makapagsalita.
19Nakakaawa kayong nagsasabi sa rebultong kahoy o bato, ‘Gumising ka at tulungan kami.’ Ni hindi nga iyan makapagtuturo sa inyo. At kahit pa balot iyan ng ginto at pilak, wala naman itong buhay.”
20Ngunit ang Panginoon ay nasa kanyang banal na Templo. Kaya ang buong mundo ay mananahimik sa kanyang harapan.