Habakuk 3

Sa inyong matinding galit ay tinapakan nʼyo ang mundo at niyurakan ang mga bansa.

Habakkuk 3:12 (UKJV) You did march through the land in indignation, you did thresh the heathen in anger.

10Ang mga bundok ay nanginig nang kayoʼy kanilang magisnan. Patuloy na umagos ang matinding baha; umugong nang malakas ang dagat at nilakihan ang kanyang mga alon.

11Tumigil ang araw at ang buwan sa kanilang kinaroroonan sa kislap ng nagliliparan ninyong pana at kumikinang ninyong sibat.

12Sa inyong matinding galit ay tinapakan nʼyo ang mundo at niyurakan ang mga bansa.

13Dumating kayo upang iligtas ang inyong mga tao, at makaiwas sa kapahamakan ang inyong hinirang. Pinuksa ninyo ang pinuno ng kahariang napakasama, at lubusang nilipol ang lahat ng kanyang tagasunod.

14Tinuhog nʼyo ng sarili niyang sibat ang ulo ng pinuno ng kanyang mga kawal, nang salakayin kami ng kanyang mga mandirigma upang kami ay ikalat. Ikinagagalak nilang lipulin kaming mga kawawang nagtatago sa takot.

Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible™ (Ang Salita ng Diyos) © Biblica, Inc. Licensed CC BY-SA 4.0. “Biblica” is a trademark registered in the United States Patent and Trademark Office by Biblica, Inc.