11Tumigil ang araw at ang buwan sa kanilang kinaroroonan sa kislap ng nagliliparan ninyong pana at kumikinang ninyong sibat.
12Sa inyong matinding galit ay tinapakan nʼyo ang mundo at niyurakan ang mga bansa.
13Dumating kayo upang iligtas ang inyong mga tao, at makaiwas sa kapahamakan ang inyong hinirang. Pinuksa ninyo ang pinuno ng kahariang napakasama, at lubusang nilipol ang lahat ng kanyang tagasunod.
14Tinuhog nʼyo ng sarili niyang sibat ang ulo ng pinuno ng kanyang mga kawal, nang salakayin kami ng kanyang mga mandirigma upang kami ay ikalat. Ikinagagalak nilang lipulin kaming mga kawawang nagtatago sa takot.
15Para kayong sundalo na nakasakay sa kabayong nagtatatakbo sa karagatan hanggang sa lumaki ang mga alon.