Hageo 2

Nang araw ding iyon, muling nagsalita ang Panginoon kay Hageo.

Haggai 2:20 (UKJV) And again the word of the LORD came unto Haggai in the four and twentieth day of the month, saying,

18Ika-dalawampuʼt apat na araw ngayon ng ikasiyam na buwan, at ngayong araw na ito natapos ang pundasyon ng templo ng Panginoon. Tingnan ninyo kung ano ang mangyayari mula sa araw na ito.

19Kahit wala nang natirang trigo, at wala nang bunga ang mga ubas at ang mga kahoy ng igos, pomegranata, at olibo, pagpapalain naman kayo ng Panginoon simula sa araw na ito.”

20Nang araw ding iyon, muling nagsalita ang Panginoon kay Hageo.

21Sinabi niya, “Sabihin mo kay Zerubabel na anak ni Selatiel at gobernador ng Juda, na yayanigin ko ang langit at ang lupa.

22Ibabagsak ko ang mga kaharian at wawakasan ang kapangyarihan nila. Ibubuwal ko ang kanilang mga karwahe at ang mga sakay nito. Mamamatay ang mga kabayo at magpapatayan ang mga mangangabayo.

Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible™ (Ang Salita ng Diyos) © Biblica, Inc. Licensed CC BY-SA 4.0. “Biblica” is a trademark registered in the United States Patent and Trademark Office by Biblica, Inc.