20Nang araw ding iyon, muling nagsalita ang Panginoon kay Hageo.
21Sinabi niya, “Sabihin mo kay Zerubabel na anak ni Selatiel at gobernador ng Juda, na yayanigin ko ang langit at ang lupa.
22Ibabagsak ko ang mga kaharian at wawakasan ang kapangyarihan nila. Ibubuwal ko ang kanilang mga karwahe at ang mga sakay nito. Mamamatay ang mga kabayo at magpapatayan ang mga mangangabayo.
23“At sabihin mo rin sa aking lingkod na si Zerubabel na anak ni Selatiel na sa araw na iyon ay pamamahalain ko siya sa pamamagitan ng aking kapangyarihan, dahil siya ay hinirang ko. Ako, ang Panginoon ng mga Hukbo, ang nagsasabi nito.”