Hageo 2

Kaya magpakatatag ka, Zerubabel,’ sabi ng Panginoon. ‘Magpakatatag ka, Josue, punong pari na anak ni Josadac. Magpakatatag kayong lahat na mamamayan ng lupain. Simulan na ninyong kumilos. Sapagkat kasama ninyo ako,’ sabi ng Panginoon ng mga Hukbo.

Haggai 2:4 (UKJV) Yet now be strong, O Zerubbabel, says the LORD; and be strong, O Joshua, son of Josedech, the high priest; and be strong, all you people of the land, says the LORD, and work: for I am with you, says the LORD of hosts:

2“Kausapin mo si Zerubabel na anak ni Selatiel, gobernador ng Juda, at si Josue na anak ni Josadac, na siyang punong pari, pati ang naiwang lahi ng mga Israelita. Tanungin mo sila,

3‘Sino sa inyo ang nakakita ng kadakilaan noon ng templong ito? Ano ngayon ang tingin ninyo rito kung ihahambing sa dati? Maaaring sabihin ninyo na balewala lang ito.

4Kaya magpakatatag ka, Zerubabel,’ sabi ng Panginoon. ‘Magpakatatag ka, Josue, punong pari na anak ni Josadac. Magpakatatag kayong lahat na mamamayan ng lupain. Simulan na ninyong kumilos. Sapagkat kasama ninyo ako,’ sabi ng Panginoon ng mga Hukbo.

5‘Ganito rin ang ipinangako ko sa inyong mga ninuno nang inilabas ko sila sa Ehipto. At ngayon, ang aking Espiritu ay mananatiling kasama ninyo, kaya huwag kayong matakot.’

6“Ito ang sinasabi ng Panginoon ng mga Hukbo: ‘Hindi magtatagal at yayanigin kong muli ang langit at ang mundo, ang dagat at ang lupa.

Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible™ (Ang Salita ng Diyos) © Biblica, Inc. Licensed CC BY-SA 4.0. “Biblica” is a trademark registered in the United States Patent and Trademark Office by Biblica, Inc.