Hageo 2

‘Ganito rin ang ipinangako ko sa inyong mga ninuno nang inilabas ko sila sa Ehipto. At ngayon, ang aking Espiritu ay mananatiling kasama ninyo, kaya huwag kayong matakot.’

Haggai 2:5 (UKJV) According to the word that I covenanted with you when all of you came out of Egypt, so my spirit remains among you: fear all of you not.

3‘Sino sa inyo ang nakakita ng kadakilaan noon ng templong ito? Ano ngayon ang tingin ninyo rito kung ihahambing sa dati? Maaaring sabihin ninyo na balewala lang ito.

4Kaya magpakatatag ka, Zerubabel,’ sabi ng Panginoon. ‘Magpakatatag ka, Josue, punong pari na anak ni Josadac. Magpakatatag kayong lahat na mamamayan ng lupain. Simulan na ninyong kumilos. Sapagkat kasama ninyo ako,’ sabi ng Panginoon ng mga Hukbo.

5‘Ganito rin ang ipinangako ko sa inyong mga ninuno nang inilabas ko sila sa Ehipto. At ngayon, ang aking Espiritu ay mananatiling kasama ninyo, kaya huwag kayong matakot.’

6“Ito ang sinasabi ng Panginoon ng mga Hukbo: ‘Hindi magtatagal at yayanigin kong muli ang langit at ang mundo, ang dagat at ang lupa.

7Yayanigin ko ang lahat ng bansa at dadalhin nila rito sa Templo ang kanilang mga kayamanan. Kaya mapupuno ang tahanang ito ng kaluwalhatian,’ sabi ng Panginoon ng mga Hukbo.

Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible™ (Ang Salita ng Diyos) © Biblica, Inc. Licensed CC BY-SA 4.0. “Biblica” is a trademark registered in the United States Patent and Trademark Office by Biblica, Inc.