Hageo 2

‘Sino sa inyo ang nakakita ng kadakilaan noon ng templong ito? Ano ngayon ang tingin ninyo rito kung ihahambing sa dati? Maaaring sabihin ninyo na balewala lang ito.

Haggai 2:3 (UKJV) Who is left among you that saw this house in her first glory? and how do all of you see it now? is it not in your eyes in comparison of it as nothing?

1Noong ika-dalawampuʼt isang araw ng ikapitong buwan, nagsalita ang Panginoon kay Propeta Hageo na nagsasabing:

2“Kausapin mo si Zerubabel na anak ni Selatiel, gobernador ng Juda, at si Josue na anak ni Josadac, na siyang punong pari, pati ang naiwang lahi ng mga Israelita. Tanungin mo sila,

3‘Sino sa inyo ang nakakita ng kadakilaan noon ng templong ito? Ano ngayon ang tingin ninyo rito kung ihahambing sa dati? Maaaring sabihin ninyo na balewala lang ito.

4Kaya magpakatatag ka, Zerubabel,’ sabi ng Panginoon. ‘Magpakatatag ka, Josue, punong pari na anak ni Josadac. Magpakatatag kayong lahat na mamamayan ng lupain. Simulan na ninyong kumilos. Sapagkat kasama ninyo ako,’ sabi ng Panginoon ng mga Hukbo.

5‘Ganito rin ang ipinangako ko sa inyong mga ninuno nang inilabas ko sila sa Ehipto. At ngayon, ang aking Espiritu ay mananatiling kasama ninyo, kaya huwag kayong matakot.’

Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible™ (Ang Salita ng Diyos) © Biblica, Inc. Licensed CC BY-SA 4.0. “Biblica” is a trademark registered in the United States Patent and Trademark Office by Biblica, Inc.