Mga Hebreo 1

Kinalulugdan mo ang gumagawa ng matuwid at kinamumuhian mo ang gumagawa ng masama. Kaya pinili ka ng Diyos, na iyong Diyos, at binigyan ng kagalakang higit sa ibinigay niya sa mga kasama mo.”

Hebrews 1:9 (UKJV) You have loved righteousness, and hated iniquity; therefore God, even your God, has anointed you with the oil of gladness above your fellows.

7Ito ang sinabi ng Diyos tungkol sa mga anghel: “Ginagawa niyang hangin ang kanyang mga anghel, at nagliliyab na apoy ang kanyang mga utusan.”

8Ngunit ito naman ang sinabi ng Diyos tungkol sa kanyang Anak: “O Diyos, ang kaharian mo ay magpakailanman. Ang paghahari mo ay makatarungan.

9Kinalulugdan mo ang gumagawa ng matuwid at kinamumuhian mo ang gumagawa ng masama. Kaya pinili ka ng Diyos, na iyong Diyos, at binigyan ng kagalakang higit sa ibinigay niya sa mga kasama mo.”

10At sinabi pa niya, “Panginoon, nang pasimula paʼy nilikha mo ang sanlibutan at ikaw rin ang lumikha ng kalangitan.

11Ang lahat ng ito ay may katapusan, ngunit ikaʼy mananatili magpakailanman. Sapagkat tulad ng damit na kumukupas, ang mga ito ay lilipas.

Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible™ (Ang Salita ng Diyos) © Biblica, Inc. Licensed CC BY-SA 4.0. “Biblica” is a trademark registered in the United States Patent and Trademark Office by Biblica, Inc.