Mga Hebreo 10

Sapagkat kilala natin ang Diyos na nagsabi, “Ako ang maghihiganti; ako ang magpaparusa.” At mayroon ding nakasulat na ganito: “Hahatulan ng Panginoon ang mga taong sakop niya.”

Hebrews 10:30 (UKJV) For we know him that has said, Vengeance belongs unto me, I will recompense, says the Lord. And again, The Lord shall judge his people.

28Ipinapapatay noon nang walang awa ang lumalabag sa Kautusan ni Moises, kapag napatunayan ng dalawa o tatlong saksi ang paglabag niya.

29Gaano pa kaya kabigat ang parusang tatanggapin ng taong lumapastangan sa Anak ng Diyos at nagpawalang-halaga sa dugo na nagpatibay sa kasunduan ng Diyos at naglinis sa mga kasalanan niya? Talagang mas mabigat ang parusa sa mga taong ito na humamak sa Espiritu ng biyaya.

30Sapagkat kilala natin ang Diyos na nagsabi, “Ako ang maghihiganti; ako ang magpaparusa.” At mayroon ding nakasulat na ganito: “Hahatulan ng Panginoon ang mga taong sakop niya.”

31Kakila-kilabot ang kahihinatnan ng mga hahatulan ng Diyos na buháy.

32Alalahanin nʼyo ang nakaraang panahon, noong una kayong naliwanagan. Dumaan kayo sa matinding hirap, ngunit tiniis nʼyo ito at hindi kayo nadaig.

Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible™ (Ang Salita ng Diyos) © Biblica, Inc. Licensed CC BY-SA 4.0. “Biblica” is a trademark registered in the United States Patent and Trademark Office by Biblica, Inc.