Mga Hebreo 10

Alalahanin nʼyo ang nakaraang panahon, noong una kayong naliwanagan. Dumaan kayo sa matinding hirap, ngunit tiniis nʼyo ito at hindi kayo nadaig.

Hebrews 10:32 (UKJV) But call to remembrance the former days, in which, after all of you were illuminated, all of you endured a great fight of afflictions;

30Sapagkat kilala natin ang Diyos na nagsabi, “Ako ang maghihiganti; ako ang magpaparusa.” At mayroon ding nakasulat na ganito: “Hahatulan ng Panginoon ang mga taong sakop niya.”

31Kakila-kilabot ang kahihinatnan ng mga hahatulan ng Diyos na buháy.

32Alalahanin nʼyo ang nakaraang panahon, noong una kayong naliwanagan. Dumaan kayo sa matinding hirap, ngunit tiniis nʼyo ito at hindi kayo nadaig.

33Kung minsan, inaalipusta kayo at inuusig sa harapan ng mga tao. At kung minsan namaʼy inaalalayan ninyo ang mga kapatid na dumaranas ng ganitong pagsubok.

34Dinadamayan ninyo ang mga kapatid na nakabilanggo. At kahit inagawan kayo ng mga ari-arian, tiniis ninyo ito nang may kagalakan dahil alam nʼyong mayroon kayong mas mainam na kayamanang hindi mawawala kailanman.

Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible™ (Ang Salita ng Diyos) © Biblica, Inc. Licensed CC BY-SA 4.0. “Biblica” is a trademark registered in the United States Patent and Trademark Office by Biblica, Inc.