Mga Hebreo 10

Dinadamayan ninyo ang mga kapatid na nakabilanggo. At kahit inagawan kayo ng mga ari-arian, tiniis ninyo ito nang may kagalakan dahil alam nʼyong mayroon kayong mas mainam na kayamanang hindi mawawala kailanman.

Hebrews 10:34 (UKJV) For all of you had compassion of me in my bonds, and took joyfully the spoiling of your goods, knowing in yourselves that all of you have in heaven a better and an enduring substance.

32Alalahanin nʼyo ang nakaraang panahon, noong una kayong naliwanagan. Dumaan kayo sa matinding hirap, ngunit tiniis nʼyo ito at hindi kayo nadaig.

33Kung minsan, inaalipusta kayo at inuusig sa harapan ng mga tao. At kung minsan namaʼy inaalalayan ninyo ang mga kapatid na dumaranas ng ganitong pagsubok.

34Dinadamayan ninyo ang mga kapatid na nakabilanggo. At kahit inagawan kayo ng mga ari-arian, tiniis ninyo ito nang may kagalakan dahil alam nʼyong mayroon kayong mas mainam na kayamanang hindi mawawala kailanman.

35Kaya huwag kayong mawawalan ng pananalig sa Diyos, dahil may malaking gantimpalang nakalaan para sa inyo.

36Kailangan ninyong magtiis upang masunod ninyo ang kalooban ng Diyos, at matanggap ninyo ang ipinangako niya.

Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible™ (Ang Salita ng Diyos) © Biblica, Inc. Licensed CC BY-SA 4.0. “Biblica” is a trademark registered in the United States Patent and Trademark Office by Biblica, Inc.