34Dinadamayan ninyo ang mga kapatid na nakabilanggo. At kahit inagawan kayo ng mga ari-arian, tiniis ninyo ito nang may kagalakan dahil alam nʼyong mayroon kayong mas mainam na kayamanang hindi mawawala kailanman.
35Kaya huwag kayong mawawalan ng pananalig sa Diyos, dahil may malaking gantimpalang nakalaan para sa inyo.
36Kailangan ninyong magtiis upang masunod ninyo ang kalooban ng Diyos, at matanggap ninyo ang ipinangako niya.
37Sapagkat sinasabi ng Kasulatan: “Sandaling panahon na lang at darating na siya; hindi siya magtatagal.”
38At, “Ngunit ang taong matuwid ay mabubuhay dahil sa kanyang pananampalataya. Ngunit kung tumalikod siya sa akin, hindi ko na siya kalulugdan.”