Mga Hebreo 10

Kung minsan, inaalipusta kayo at inuusig sa harapan ng mga tao. At kung minsan namaʼy inaalalayan ninyo ang mga kapatid na dumaranas ng ganitong pagsubok.

Hebrews 10:33 (UKJV) Partly, whilst all of you were made a gazing-stock both by reproaches and afflictions; and partly, whilst all of you became companions of them that were so used.

31Kakila-kilabot ang kahihinatnan ng mga hahatulan ng Diyos na buháy.

32Alalahanin nʼyo ang nakaraang panahon, noong una kayong naliwanagan. Dumaan kayo sa matinding hirap, ngunit tiniis nʼyo ito at hindi kayo nadaig.

33Kung minsan, inaalipusta kayo at inuusig sa harapan ng mga tao. At kung minsan namaʼy inaalalayan ninyo ang mga kapatid na dumaranas ng ganitong pagsubok.

34Dinadamayan ninyo ang mga kapatid na nakabilanggo. At kahit inagawan kayo ng mga ari-arian, tiniis ninyo ito nang may kagalakan dahil alam nʼyong mayroon kayong mas mainam na kayamanang hindi mawawala kailanman.

35Kaya huwag kayong mawawalan ng pananalig sa Diyos, dahil may malaking gantimpalang nakalaan para sa inyo.

Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible™ (Ang Salita ng Diyos) © Biblica, Inc. Licensed CC BY-SA 4.0. “Biblica” is a trademark registered in the United States Patent and Trademark Office by Biblica, Inc.