29Gaano pa kaya kabigat ang parusang tatanggapin ng taong lumapastangan sa Anak ng Diyos at nagpawalang-halaga sa dugo na nagpatibay sa kasunduan ng Diyos at naglinis sa mga kasalanan niya? Talagang mas mabigat ang parusa sa mga taong ito na humamak sa Espiritu ng biyaya.
30Sapagkat kilala natin ang Diyos na nagsabi, “Ako ang maghihiganti; ako ang magpaparusa.” At mayroon ding nakasulat na ganito: “Hahatulan ng Panginoon ang mga taong sakop niya.”
31Kakila-kilabot ang kahihinatnan ng mga hahatulan ng Diyos na buháy.
32Alalahanin nʼyo ang nakaraang panahon, noong una kayong naliwanagan. Dumaan kayo sa matinding hirap, ngunit tiniis nʼyo ito at hindi kayo nadaig.
33Kung minsan, inaalipusta kayo at inuusig sa harapan ng mga tao. At kung minsan namaʼy inaalalayan ninyo ang mga kapatid na dumaranas ng ganitong pagsubok.