5Kaya nga, nang dumating si Kristo dito sa mundo, sinabi niya sa kanyang Ama, “Hindi mo hinangad ang mga alay na hayop at mga handog, sa halip, ipinaghanda mo ako ng katawang maihahandog.
6Hindi ka nasiyahan sa mga handog na sinusunog at ng iba pang mga handog para sa kasalanan.
7Kaya sinabi ko, ‘Narito ako upang tuparin ang kalooban mo, O Diyos, ayon sa nakasaad sa Kasulatan tungkol sa akin.’ ”
8Una, sinabi niya, “Hindi mo hinangad ang mga alay na hayop at mga handog, pati na rin ang mga handog na sinusunog at ng iba pang mga handog para sa kasalanan. Hindi ka rin nasiyahan sa mga ito kahit na inihahandog ito ayon sa Kautusan.”
9Pagkatapos, sinabi niya sa kanyang Ama, “Nandito ako upang sundin ang kalooban mo.” Kaya inalis ng Diyos ang dating paraan ng paghahandog upang palitan ng paghahandog ni Kristo.