Mga Hebreo 10

Pagkatapos, sinabi niya sa kanyang Ama, “Nandito ako upang sundin ang kalooban mo.” Kaya inalis ng Diyos ang dating paraan ng paghahandog upang palitan ng paghahandog ni Kristo.

Hebrews 10:9 (UKJV) Then said he, Lo, I come to do your will, O God. He takes away the first, that he may establish the second.

7Kaya sinabi ko, ‘Narito ako upang tuparin ang kalooban mo, O Diyos, ayon sa nakasaad sa Kasulatan tungkol sa akin.’ ”

8Una, sinabi niya, “Hindi mo hinangad ang mga alay na hayop at mga handog, pati na rin ang mga handog na sinusunog at ng iba pang mga handog para sa kasalanan. Hindi ka rin nasiyahan sa mga ito kahit na inihahandog ito ayon sa Kautusan.”

9Pagkatapos, sinabi niya sa kanyang Ama, “Nandito ako upang sundin ang kalooban mo.” Kaya inalis ng Diyos ang dating paraan ng paghahandog upang palitan ng paghahandog ni Kristo.

10At dahil sinunod ni Hesu-Kristo ang kalooban ng Diyos, nilinis niya tayo sa mga kasalanan natin sa pamamagitan ng minsanang paghahandog ng sarili niya.

11Naglilingkod ang mga pari araw-araw, at paulit-ulit na nag-aalay ng ganoon ding mga handog, na hindi naman nakapag-aalis ng kasalanan.

Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible™ (Ang Salita ng Diyos) © Biblica, Inc. Licensed CC BY-SA 4.0. “Biblica” is a trademark registered in the United States Patent and Trademark Office by Biblica, Inc.