Mga Hebreo 10

Kaya nga, nang dumating si Kristo dito sa mundo, sinabi niya sa kanyang Ama, “Hindi mo hinangad ang mga alay na hayop at mga handog, sa halip, ipinaghanda mo ako ng katawang maihahandog.

Hebrews 10:5 (UKJV) Wherefore when he comes into the world, he says, Sacrifice and offering you would not, but a body have you prepared me:

3Ngunit ang paghahandog na ginagawa nila taón-taón ay siya pang nagpapaalala sa mga kasalanan nila,

4dahil hindi makapag-aalis ng kasalanan ang dugo ng mga toro at kambing na inihahandog nila.

5Kaya nga, nang dumating si Kristo dito sa mundo, sinabi niya sa kanyang Ama, “Hindi mo hinangad ang mga alay na hayop at mga handog, sa halip, ipinaghanda mo ako ng katawang maihahandog.

6Hindi ka nasiyahan sa mga handog na sinusunog at ng iba pang mga handog para sa kasalanan.

7Kaya sinabi ko, ‘Narito ako upang tuparin ang kalooban mo, O Diyos, ayon sa nakasaad sa Kasulatan tungkol sa akin.’ ”

Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible™ (Ang Salita ng Diyos) © Biblica, Inc. Licensed CC BY-SA 4.0. “Biblica” is a trademark registered in the United States Patent and Trademark Office by Biblica, Inc.