2Dahil kung totoong nalinis na sila nang minsan sa kanilang mga kasalanan sa pamamagitan ng mga handog, hindi na sana sila inuusig ng kanilang budhi, at hindi na nila kinailangang maghandog pa.
3Ngunit ang paghahandog na ginagawa nila taón-taón ay siya pang nagpapaalala sa mga kasalanan nila,
4dahil hindi makapag-aalis ng kasalanan ang dugo ng mga toro at kambing na inihahandog nila.
5Kaya nga, nang dumating si Kristo dito sa mundo, sinabi niya sa kanyang Ama, “Hindi mo hinangad ang mga alay na hayop at mga handog, sa halip, ipinaghanda mo ako ng katawang maihahandog.
6Hindi ka nasiyahan sa mga handog na sinusunog at ng iba pang mga handog para sa kasalanan.