Mga Hebreo 11

Kaya mula kay Abraham, na parang patay na dahil matanda na siya, nagmula ang isang lahi na kasindami ng mga bituin sa langit at buhangin sa dalampasigan.

Hebrews 11:12 (UKJV) Therefore sprang there even of one, and him as good as dead, so many as the stars of the sky in multitude, and as the sand which is by the sea shore innumerable.

10Sapagkat ang talagang inaasahan ni Abraham ay isang lungsod na may matibay na pundasyon, na ang Diyos mismo ang nagplano at nagtayo.

11Dahil sa pananampalataya, nagkaroon ng kakayahan si Sara na magkaanak, kahit na baog siya at matanda na, dahil nanalig siya na tutuparin ng Diyos ang pangako niya.

12Kaya mula kay Abraham, na parang patay na dahil matanda na siya, nagmula ang isang lahi na kasindami ng mga bituin sa langit at buhangin sa dalampasigan.

13Ang lahat ng taong itoʼy namatay na sumasampalataya. Hindi man nila natanggap ang mga pangako ng Diyos noong nabubuhay pa sila, natitiyak naman nilang darating ang araw na matatanggap nila ang kanilang hinihintay. Itinuring nilang mga dayuhan ang sarili nila at naninirahan lang sa mundong ito.

14Ang mga taong may ganitong pananaw ay nagpapahiwatig na naghahanap sila ng sariling bayan.

Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible™ (Ang Salita ng Diyos) © Biblica, Inc. Licensed CC BY-SA 4.0. “Biblica” is a trademark registered in the United States Patent and Trademark Office by Biblica, Inc.