Mga Hebreo 11

Ang lahat ng taong itoʼy namatay na sumasampalataya. Hindi man nila natanggap ang mga pangako ng Diyos noong nabubuhay pa sila, natitiyak naman nilang darating ang araw na matatanggap nila ang kanilang hinihintay. Itinuring nilang mga dayuhan ang sarili nila at naninirahan lang sa mundong ito.

Hebrews 11:13 (UKJV) These all died in faith, not having received the promises, but having seen them far off, and were persuaded of them, and embraced them, and confessed that they were strangers and pilgrims on the earth.

11Dahil sa pananampalataya, nagkaroon ng kakayahan si Sara na magkaanak, kahit na baog siya at matanda na, dahil nanalig siya na tutuparin ng Diyos ang pangako niya.

12Kaya mula kay Abraham, na parang patay na dahil matanda na siya, nagmula ang isang lahi na kasindami ng mga bituin sa langit at buhangin sa dalampasigan.

13Ang lahat ng taong itoʼy namatay na sumasampalataya. Hindi man nila natanggap ang mga pangako ng Diyos noong nabubuhay pa sila, natitiyak naman nilang darating ang araw na matatanggap nila ang kanilang hinihintay. Itinuring nilang mga dayuhan ang sarili nila at naninirahan lang sa mundong ito.

14Ang mga taong may ganitong pananaw ay nagpapahiwatig na naghahanap sila ng sariling bayan.

15Kung ang bayang iniwan nila ang iniisip nila, may pagkakataon pa silang makabalik.

Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible™ (Ang Salita ng Diyos) © Biblica, Inc. Licensed CC BY-SA 4.0. “Biblica” is a trademark registered in the United States Patent and Trademark Office by Biblica, Inc.