13Ang lahat ng taong itoʼy namatay na sumasampalataya. Hindi man nila natanggap ang mga pangako ng Diyos noong nabubuhay pa sila, natitiyak naman nilang darating ang araw na matatanggap nila ang kanilang hinihintay. Itinuring nilang mga dayuhan ang sarili nila at naninirahan lang sa mundong ito.
14Ang mga taong may ganitong pananaw ay nagpapahiwatig na naghahanap sila ng sariling bayan.
15Kung ang bayang iniwan nila ang iniisip nila, may pagkakataon pa silang makabalik.
16Ngunit ang hinahangad nila ay isang mas mainam na bayan, at itoʼy isang lungsod na nasa langit. Kaya hindi ikinakahiya ng Diyos na siyaʼy tawagin nilang Diyos, dahil ipinaghanda niya sila ng isang lungsod.
17Dahil sa pananampalataya, handang ihandog ni Abraham ang kaisa-isa niyang anak na si Isaac nang subukin siya ng Diyos. Kahit na alam niyang si Isaac ang ipinangako ng Diyos na pagmumulan ng kanyang lahi, handa pa rin niya itong ialay.