Mga Hebreo 11

Dahil sa pananampalataya, handang ihandog ni Abraham ang kaisa-isa niyang anak na si Isaac nang subukin siya ng Diyos. Kahit na alam niyang si Isaac ang ipinangako ng Diyos na pagmumulan ng kanyang lahi, handa pa rin niya itong ialay.

Hebrews 11:17 (UKJV) By faith Abraham, when he was tried, offered up Isaac: and he that had received the promises offered up his only begotten son,

15Kung ang bayang iniwan nila ang iniisip nila, may pagkakataon pa silang makabalik.

16Ngunit ang hinahangad nila ay isang mas mainam na bayan, at itoʼy isang lungsod na nasa langit. Kaya hindi ikinakahiya ng Diyos na siyaʼy tawagin nilang Diyos, dahil ipinaghanda niya sila ng isang lungsod.

17Dahil sa pananampalataya, handang ihandog ni Abraham ang kaisa-isa niyang anak na si Isaac nang subukin siya ng Diyos. Kahit na alam niyang si Isaac ang ipinangako ng Diyos na pagmumulan ng kanyang lahi, handa pa rin niya itong ialay.

19Sapagkat nanalig si Abraham na kung mamamatay si Isaac, muli siyang bubuhayin ng Diyos. At ganoon nga ang nangyari; parang bumalik sa kanya si Isaac mula sa kamatayan.

Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible™ (Ang Salita ng Diyos) © Biblica, Inc. Licensed CC BY-SA 4.0. “Biblica” is a trademark registered in the United States Patent and Trademark Office by Biblica, Inc.