Mga Hebreo 11

Dahil din sa pananampalataya, nanirahan si Abraham sa lupaing ipinangako sa kanya ng Diyos kahit na sa tolda lang siya tumira na parang isang dayuhan. Tumira rin sa tolda ang anak niyang si Isaac at apong si Jacob, na mga tagapagmana rin ng pangako ng Diyos.

Hebrews 11:9 (UKJV) By faith he sojourned in the land of promise, as in a strange country, dwelling in tabernacles with Isaac and Jacob, the heirs with him of the same promise:

7Dahil sa pananampalataya, pinakinggan ni Noe ang babala ng Diyos tungkol sa mga bagay na mangyayari kahit hindi pa niya nakikita. Kaya gumawa siya ng isang barko para mailigtas niya ang kanyang sarili at ang pamilya niya. At sa pananampalataya niya, hinatulan ang mga tao sa mundo, pero itinuring siyang matuwid ng Diyos.

8Dahil sa pananampalataya, sinunod ni Abraham ang utos ng Diyos na pumunta sa lugar na ipinangako sa kanya. Umalis siya sa bayan niya kahit hindi niya alam kung saan siya pupunta.

9Dahil din sa pananampalataya, nanirahan si Abraham sa lupaing ipinangako sa kanya ng Diyos kahit na sa tolda lang siya tumira na parang isang dayuhan. Tumira rin sa tolda ang anak niyang si Isaac at apong si Jacob, na mga tagapagmana rin ng pangako ng Diyos.

10Sapagkat ang talagang inaasahan ni Abraham ay isang lungsod na may matibay na pundasyon, na ang Diyos mismo ang nagplano at nagtayo.

11Dahil sa pananampalataya, nagkaroon ng kakayahan si Sara na magkaanak, kahit na baog siya at matanda na, dahil nanalig siya na tutuparin ng Diyos ang pangako niya.

Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible™ (Ang Salita ng Diyos) © Biblica, Inc. Licensed CC BY-SA 4.0. “Biblica” is a trademark registered in the United States Patent and Trademark Office by Biblica, Inc.