25Kaya mag-ingat kayo at huwag tanggihan ang Diyos na nagsasalita sa atin. Ang mga tao noon na hindi nakinig sa mga propeta rito sa lupa ay hindi nakaligtas sa parusa. Paano kaya tayo makakaligtas kung hindi natin pakikinggan ang nagsasalita mula sa langit?
26Yumanig noon ang lupa nang magsalita ang Diyos. At ngayon ay nangako siya, “Minsan ko pang yayanigin ang mundo, pati na rin ang langit.”
27Ang katagang “minsan pa” ay nagpapahiwatig na aalisin ng Diyos ang lahat ng nilikha niyang nayayanig, upang manatili ang mga bagay na hindi nayayanig.
28Kaya magpasalamat tayo sa Diyos dahil kabilang na tayo sa kaharian niya na hindi nayayanig. Sambahin natin siya sa paraang kalugod-lugod, na may takot at paggalang sa kanya,
29dahil kapag nagparusa ang ating Diyos, itoʼy parang apoy na nakakatupok.