Mga Hebreo 12

Kaya magpasalamat tayo sa Diyos dahil kabilang na tayo sa kaharian niya na hindi nayayanig. Sambahin natin siya sa paraang kalugod-lugod, na may takot at paggalang sa kanya,

Hebrews 12:28 (UKJV) Wherefore we receiving a kingdom which cannot be moved, let us have grace, whereby we may serve God acceptably with reverence and godly fear:

26Yumanig noon ang lupa nang magsalita ang Diyos. At ngayon ay nangako siya, “Minsan ko pang yayanigin ang mundo, pati na rin ang langit.”

27Ang katagang “minsan pa” ay nagpapahiwatig na aalisin ng Diyos ang lahat ng nilikha niyang nayayanig, upang manatili ang mga bagay na hindi nayayanig.

28Kaya magpasalamat tayo sa Diyos dahil kabilang na tayo sa kaharian niya na hindi nayayanig. Sambahin natin siya sa paraang kalugod-lugod, na may takot at paggalang sa kanya,

29dahil kapag nagparusa ang ating Diyos, itoʼy parang apoy na nakakatupok.

Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible™ (Ang Salita ng Diyos) © Biblica, Inc. Licensed CC BY-SA 4.0. “Biblica” is a trademark registered in the United States Patent and Trademark Office by Biblica, Inc.