Mga Hebreo 2

at ipinasailalim nʼyo sa kanyang kapangyarihan ang lahat ng bagay.” Ang pagpapasailalim ng lahat ng bagay sa tao ay nangangahulugang walang anumang bagay na hindi ipinasakop ang Diyos sa kanya. Ngunit ngayon, hindi pa natin nakikita na napasailalim sa kanya ang lahat ng bagay.

Hebrews 2:8 (UKJV) You have put all things in subjection under his feet. For in that he put all in subjection under him, he left nothing that is not put under him. But now we see not yet all things put under him.

6Sapagkat ito ang sinasabi ng Kasulatan: “Ano ba ang tao upang inyong alalahanin? Sino nga ba siya upang inyong kalingain?

7Sa maikling panahon ginawa ninyong mas mababa ang kalagayan niya kaysa sa mga anghel. Ngunit kinoronahan nʼyo siya ng kaluwalhatian at karangalan,

8at ipinasailalim nʼyo sa kanyang kapangyarihan ang lahat ng bagay.” Ang pagpapasailalim ng lahat ng bagay sa tao ay nangangahulugang walang anumang bagay na hindi ipinasakop ang Diyos sa kanya. Ngunit ngayon, hindi pa natin nakikita na napasailalim sa kanya ang lahat ng bagay.

9Ngunit ang nakita natin ay si Hesus na sa maikling panahon ay naging mas mababa ang kalagayan kaysa sa mga anghel. Ngunit ngayon ay binigyan siya ng kaluwalhatian at karangalan dahil dumanas siya ng matinding hirap at namatay siya para sa lahat; at ito ay sa pamamagitan ng biyaya ng Diyos.

10Sapagkat hinangad ng Diyos na dalhin ang marami niyang mga anak patungo sa kaluwalhatian. Siya ang gumawa ng lahat ng bagay, at ginawa niya ito para sa kanyang sarili, kaya nararapat lamang na gawin niyang ganap si Hesus sa pamamagitan ng kanyang paghihirap, upang maging pinuno nila na magdadala sa kanila sa kaligtasan.

Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible™ (Ang Salita ng Diyos) © Biblica, Inc. Licensed CC BY-SA 4.0. “Biblica” is a trademark registered in the United States Patent and Trademark Office by Biblica, Inc.