Mga Hebreo 2

Sapagkat ito ang sinasabi ng Kasulatan: “Ano ba ang tao upang inyong alalahanin? Sino nga ba siya upang inyong kalingain?

Hebrews 2:6 (UKJV) But one in a certain place testified, saying, What is man, that you are mindful of him? or the son of man that you visit him?

4Pinatunayan din ito ng Diyos sa pamamagitan ng mga tanda, himala, at kamangha-manghang gawa, at ibaʼt ibang kakayahang kaloob ng Banal na Espiritu na ibinigay niya ayon sa kanyang kalooban.

5Ngayon, tungkol sa mundong darating na sinasabi namin, hindi ito ipinamahala ng Diyos sa mga anghel.

6Sapagkat ito ang sinasabi ng Kasulatan: “Ano ba ang tao upang inyong alalahanin? Sino nga ba siya upang inyong kalingain?

7Sa maikling panahon ginawa ninyong mas mababa ang kalagayan niya kaysa sa mga anghel. Ngunit kinoronahan nʼyo siya ng kaluwalhatian at karangalan,

8at ipinasailalim nʼyo sa kanyang kapangyarihan ang lahat ng bagay.” Ang pagpapasailalim ng lahat ng bagay sa tao ay nangangahulugang walang anumang bagay na hindi ipinasakop ang Diyos sa kanya. Ngunit ngayon, hindi pa natin nakikita na napasailalim sa kanya ang lahat ng bagay.

Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible™ (Ang Salita ng Diyos) © Biblica, Inc. Licensed CC BY-SA 4.0. “Biblica” is a trademark registered in the United States Patent and Trademark Office by Biblica, Inc.