Mga Hebreo 2

Sa maikling panahon ginawa ninyong mas mababa ang kalagayan niya kaysa sa mga anghel. Ngunit kinoronahan nʼyo siya ng kaluwalhatian at karangalan,

Hebrews 2:7 (UKJV) You made him a little lower than the angels; you crowned him with glory and honour, and did set him over the works of your hands:

5Ngayon, tungkol sa mundong darating na sinasabi namin, hindi ito ipinamahala ng Diyos sa mga anghel.

6Sapagkat ito ang sinasabi ng Kasulatan: “Ano ba ang tao upang inyong alalahanin? Sino nga ba siya upang inyong kalingain?

7Sa maikling panahon ginawa ninyong mas mababa ang kalagayan niya kaysa sa mga anghel. Ngunit kinoronahan nʼyo siya ng kaluwalhatian at karangalan,

8at ipinasailalim nʼyo sa kanyang kapangyarihan ang lahat ng bagay.” Ang pagpapasailalim ng lahat ng bagay sa tao ay nangangahulugang walang anumang bagay na hindi ipinasakop ang Diyos sa kanya. Ngunit ngayon, hindi pa natin nakikita na napasailalim sa kanya ang lahat ng bagay.

9Ngunit ang nakita natin ay si Hesus na sa maikling panahon ay naging mas mababa ang kalagayan kaysa sa mga anghel. Ngunit ngayon ay binigyan siya ng kaluwalhatian at karangalan dahil dumanas siya ng matinding hirap at namatay siya para sa lahat; at ito ay sa pamamagitan ng biyaya ng Diyos.

Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible™ (Ang Salita ng Diyos) © Biblica, Inc. Licensed CC BY-SA 4.0. “Biblica” is a trademark registered in the United States Patent and Trademark Office by Biblica, Inc.