3Gayundin naman, paano tayo makakaiwas sa parusa kung babalewalain natin ang napakadakilang kaligtasang ito? Ang Panginoon mismo ang unang nagpahayag ng kaligtasang ito, at pinatunayan sa atin ng mga nakarinig sa kanya.
4Pinatunayan din ito ng Diyos sa pamamagitan ng mga tanda, himala, at kamangha-manghang gawa, at ibaʼt ibang kakayahang kaloob ng Banal na Espiritu na ibinigay niya ayon sa kanyang kalooban.
5Ngayon, tungkol sa mundong darating na sinasabi namin, hindi ito ipinamahala ng Diyos sa mga anghel.
6Sapagkat ito ang sinasabi ng Kasulatan: “Ano ba ang tao upang inyong alalahanin? Sino nga ba siya upang inyong kalingain?
7Sa maikling panahon ginawa ninyong mas mababa ang kalagayan niya kaysa sa mga anghel. Ngunit kinoronahan nʼyo siya ng kaluwalhatian at karangalan,