Mga Hebreo 2

Gayundin naman, paano tayo makakaiwas sa parusa kung babalewalain natin ang napakadakilang kaligtasang ito? Ang Panginoon mismo ang unang nagpahayag ng kaligtasang ito, at pinatunayan sa atin ng mga nakarinig sa kanya.

Hebrews 2:3 (UKJV) How shall we escape, if we neglect so great salvation; which at the first began to be spoken by the Lord, and was confirmed unto us by them that heard him;

1Kaya dapat nating panghawakang mabuti ang mga katotohanang narinig natin upang hindi tayo maligaw.

2Sapagkat ang Kautusang ibinigay ng Diyos sa pamamagitan ng mga anghel ay napatunayang totoo, at ang sinumang lumabag o sumuway dito ay tumanggap ng kaukulang parusa.

3Gayundin naman, paano tayo makakaiwas sa parusa kung babalewalain natin ang napakadakilang kaligtasang ito? Ang Panginoon mismo ang unang nagpahayag ng kaligtasang ito, at pinatunayan sa atin ng mga nakarinig sa kanya.

4Pinatunayan din ito ng Diyos sa pamamagitan ng mga tanda, himala, at kamangha-manghang gawa, at ibaʼt ibang kakayahang kaloob ng Banal na Espiritu na ibinigay niya ayon sa kanyang kalooban.

5Ngayon, tungkol sa mundong darating na sinasabi namin, hindi ito ipinamahala ng Diyos sa mga anghel.

Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible™ (Ang Salita ng Diyos) © Biblica, Inc. Licensed CC BY-SA 4.0. “Biblica” is a trademark registered in the United States Patent and Trademark Office by Biblica, Inc.