Mga Hebreo 2

Pinatunayan din ito ng Diyos sa pamamagitan ng mga tanda, himala, at kamangha-manghang gawa, at ibaʼt ibang kakayahang kaloob ng Banal na Espiritu na ibinigay niya ayon sa kanyang kalooban.

Hebrews 2:4 (UKJV) God also bearing them witness, both with signs and wonders, and with divers miracles, and gifts of the Holy Spirit, according to his own will?

2Sapagkat ang Kautusang ibinigay ng Diyos sa pamamagitan ng mga anghel ay napatunayang totoo, at ang sinumang lumabag o sumuway dito ay tumanggap ng kaukulang parusa.

3Gayundin naman, paano tayo makakaiwas sa parusa kung babalewalain natin ang napakadakilang kaligtasang ito? Ang Panginoon mismo ang unang nagpahayag ng kaligtasang ito, at pinatunayan sa atin ng mga nakarinig sa kanya.

4Pinatunayan din ito ng Diyos sa pamamagitan ng mga tanda, himala, at kamangha-manghang gawa, at ibaʼt ibang kakayahang kaloob ng Banal na Espiritu na ibinigay niya ayon sa kanyang kalooban.

5Ngayon, tungkol sa mundong darating na sinasabi namin, hindi ito ipinamahala ng Diyos sa mga anghel.

6Sapagkat ito ang sinasabi ng Kasulatan: “Ano ba ang tao upang inyong alalahanin? Sino nga ba siya upang inyong kalingain?

Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible™ (Ang Salita ng Diyos) © Biblica, Inc. Licensed CC BY-SA 4.0. “Biblica” is a trademark registered in the United States Patent and Trademark Office by Biblica, Inc.