Mga Hebreo 2

Kaya dapat nating panghawakang mabuti ang mga katotohanang narinig natin upang hindi tayo maligaw.

Hebrews 2:1 (UKJV) Therefore we ought to give the more earn heed to the things which we have heard, lest at any time we should let them slip.

1Kaya dapat nating panghawakang mabuti ang mga katotohanang narinig natin upang hindi tayo maligaw.

2Sapagkat ang Kautusang ibinigay ng Diyos sa pamamagitan ng mga anghel ay napatunayang totoo, at ang sinumang lumabag o sumuway dito ay tumanggap ng kaukulang parusa.

3Gayundin naman, paano tayo makakaiwas sa parusa kung babalewalain natin ang napakadakilang kaligtasang ito? Ang Panginoon mismo ang unang nagpahayag ng kaligtasang ito, at pinatunayan sa atin ng mga nakarinig sa kanya.

Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible™ (Ang Salita ng Diyos) © Biblica, Inc. Licensed CC BY-SA 4.0. “Biblica” is a trademark registered in the United States Patent and Trademark Office by Biblica, Inc.