7Kaya muling nagtakda ang Diyos ng isa pang pagkakataon, na walang iba kundi ngayon. Dahil pagkalipas ng matagal na panahon, sinabi ng Diyos sa pamamagitan ni David, “Sa araw na ito, kapag narinig ninyo ang tinig niya, huwag ninyong patigasin ang inyong puso.”
8Dahil kung tunay na nadala ni Josue sa kapahingahan ang mga tao noong una, hindi na sana nagsalita ang Diyos tungkol sa isa pang kapahingahan.
9Kaya may kapahingahan pang nakalaan sa mga taong sakop ng Diyos. At ang kapahingahang itoʼy katulad ng pagpapahinga ng Diyos sa ikapitong araw.
10Sapagkat ang sinumang makakaranas ng kapahingahang mula sa Diyos ay makakaranas din ng kapahingahan sa kanyang mga gawain, tulad ng pamamahinga ng Diyos matapos niyang likhain ang lahat.
11Kaya sikapin nating makamit ang kapahingahang ito. Huwag nating tularan ang mga tao noong una na sumuway sa Diyos, at baka hindi natin ito makamtan.