5At sinabi rin sa Kasulatan, “Hinding-hindi nila mararanasan ang kapahingahang inilaan ko sa kanila.”
6Malinaw na niloob ng Diyos na may magkakamit ng kapahingahang ito, ngunit ang mga nakarinig noon ng Magandang Balita ay hindi ito nakamtan dahil sa pagsuway nila sa kanya.
7Kaya muling nagtakda ang Diyos ng isa pang pagkakataon, na walang iba kundi ngayon. Dahil pagkalipas ng matagal na panahon, sinabi ng Diyos sa pamamagitan ni David, “Sa araw na ito, kapag narinig ninyo ang tinig niya, huwag ninyong patigasin ang inyong puso.”
8Dahil kung tunay na nadala ni Josue sa kapahingahan ang mga tao noong una, hindi na sana nagsalita ang Diyos tungkol sa isa pang kapahingahan.
9Kaya may kapahingahan pang nakalaan sa mga taong sakop ng Diyos. At ang kapahingahang itoʼy katulad ng pagpapahinga ng Diyos sa ikapitong araw.