11Nais naming patuloy na maging masigasig ang bawat isa sa inyo sa pag-asa ninyo sa Diyos hanggang sa wakas, upang makamtan ninyo ang inyong inaasam.
12Huwag kayong maging tamad, sa halip, tularan nʼyo ang mga taong tumatanggap ng mga ipinangako ng Diyos sa pamamagitan ng pananampalataya nila at pagtitiis.
13Tingnan nʼyo ang karanasan ni Abraham: Nang mangako ang Diyos kay Abraham, hindi siya gumamit ng ibang pangalan para patunayan ang pangako niya, kundi ginamit niya ang sarili niyang pangalan dahil wala nang makahihigit pa sa kanya.
14Sinabi niya, “Tiyak na pagpapalain kita at pararamihin ko ang lahi mo.”
15At matapos ang matiyagang paghihintay ni Abraham, natanggap niya ang mga ipinangako ng Diyos sa kanya.