1Itong si Melquizedec ay hari noon sa Salem, at pari ng Kataas-taasang Diyos. Nang pauwi na si Abraham mula sa pakikipaglaban sa mga haring nilupig niya, sinalubong siya ni Melquizedec at pinagpala.
2Pagkatapos, ibinigay sa kanya ni Abraham ang ikapu ng lahat ng nasamsam niya sa labanan. Ang kahulugan ng pangalang Melquizedec ay “hari ng katuwiran”. At dahil hari siya ng Salem, nangangahulugan na siyaʼy “hari ng kapayapaan”.
3Walang naisulat tungkol sa kanyang ama at ina o maging sa mga ninuno niya. At wala ring naisulat tungkol sa kanyang kapanganakan at kamatayan. Katulad siya ng Anak ng Diyos; ang pagiging pari niyaʼy walang hanggan.
4Isipin nʼyo na lang kung gaano kadakila si Melquizedec: Kahit na si Abraham na ama ng ating lahi ay nagbigay sa kanya ng ikapu mula sa lahat ng nasamsam niya sa labanan.