Mga Hebreo 9

Dahil kung kailangang ulit-ulitin, maraming beses sanang nagdusa si Kristo mula pa nang likhain ang mundo. Ngunit minsan lamang siya naparito sa mundo upang alisin ang mga kasalanan natin sa pamamagitan ng paghahandog ng kanyang sarili. Ginawa niya ito ngayong matatapos na ang panahon.

Hebrews 9:26 (UKJV) For then must he often have suffered since the foundation of the world: but now once in the end of the world has he appeared to put away sin by the sacrifice of himself.

24Sapagkat hindi pumasok si Kristo sa isang banal na lugar na gawa ng tao at larawan lang ng mga bagay na nasa langit, kundi sa langit mismo. Siya ngayon ay namamagitan para sa atin sa harap ng Diyos.

25Ang punong pari ng mga Hudyo ay pumapasok sa Pinakabanal na Lugar bawat taon, na may dalang dugo ng hayop. Ngunit si Kristo ay minsan lamang naghandog ng kanyang sarili, at hindi na niya ito inulit-ulit pa.

26Dahil kung kailangang ulit-ulitin, maraming beses sanang nagdusa si Kristo mula pa nang likhain ang mundo. Ngunit minsan lamang siya naparito sa mundo upang alisin ang mga kasalanan natin sa pamamagitan ng paghahandog ng kanyang sarili. Ginawa niya ito ngayong matatapos na ang panahon.

27Itinakda sa mga tao ang mamatay nang minsan at pagkatapos nitoʼy ang paghuhukom ng Diyos.

28Ganoon din naman, minsan lang namatay si Kristo nang inihandog niya ang kanyang sarili upang alisin ang kasalanan ng mga tao. At muli siyang babalik dito sa mundo, hindi na upang akuing muli ang kasalanan ng mga tao, kundi upang iligtas ang mga taong naghihintay sa kanya.

Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible™ (Ang Salita ng Diyos) © Biblica, Inc. Licensed CC BY-SA 4.0. “Biblica” is a trademark registered in the United States Patent and Trademark Office by Biblica, Inc.