Mga Hebreo 9

Ang punong pari ng mga Hudyo ay pumapasok sa Pinakabanal na Lugar bawat taon, na may dalang dugo ng hayop. Ngunit si Kristo ay minsan lamang naghandog ng kanyang sarili, at hindi na niya ito inulit-ulit pa.

Hebrews 9:25 (UKJV) Nor yet that he should offer himself often, as the high priest enters into the holy place every year with blood of others;

23Kaya kailangang linisin sa pamamagitan ng ganitong paraan ng paghahandog ang mga bagay sa sambahang ito na larawan lang ng mga bagay na nasa langit. Ngunit nangangailangan ng mas mabuting handog ang mga bagay na nasa langit.

24Sapagkat hindi pumasok si Kristo sa isang banal na lugar na gawa ng tao at larawan lang ng mga bagay na nasa langit, kundi sa langit mismo. Siya ngayon ay namamagitan para sa atin sa harap ng Diyos.

25Ang punong pari ng mga Hudyo ay pumapasok sa Pinakabanal na Lugar bawat taon, na may dalang dugo ng hayop. Ngunit si Kristo ay minsan lamang naghandog ng kanyang sarili, at hindi na niya ito inulit-ulit pa.

26Dahil kung kailangang ulit-ulitin, maraming beses sanang nagdusa si Kristo mula pa nang likhain ang mundo. Ngunit minsan lamang siya naparito sa mundo upang alisin ang mga kasalanan natin sa pamamagitan ng paghahandog ng kanyang sarili. Ginawa niya ito ngayong matatapos na ang panahon.

27Itinakda sa mga tao ang mamatay nang minsan at pagkatapos nitoʼy ang paghuhukom ng Diyos.

Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible™ (Ang Salita ng Diyos) © Biblica, Inc. Licensed CC BY-SA 4.0. “Biblica” is a trademark registered in the United States Patent and Trademark Office by Biblica, Inc.